Panaginip
Dahil ika’y panaginip lamang Ikaw ay isang panaginip Hindi nauunawaan, Hindi nahahawakan, Hindi nararamdaman. Ikaw ay isang panaginip Binabalik-balikan Ngayon, tinatandaan, Bawat detalye, Ay sumusubok sa talas ng isipan. Ngunit kahit ganoon pa man, Ikaw rin ay aking kalilimutan. Dahil ikaw ay panaginip lamang. Huwag ka sanang manatiling nakakubli Sa dulo ng aking isipan.