Panahon ng Suddenly


  Suddenly, uulan....suddenly, iinit, suddenly babagyo...suddenly magkakasakit. Iba na ngayon. Panahon na ng Suddenly...
 
   Hindi na bago para sa isang bansa ang ganitong senaryo. Kabi-kabilang panahon ang pinagdadaanan. Kaliwa't kanang pagbabago ng panahon. Ngunit higit sa lahat, ang pagbabagong pang-ekonomiya at kung anu-ano pa na nararanasan ng ating mga mamamayan.

   Pero para sa ilang mga mamamayan, may mga bagay na pabigla-bigla. Mabilis na nagbabago.Saan mang dako ka tumingin, marami kang mahahagilap. Sa loob lamang ng isang kisap mata, mawawala, may madadagdag at may magbabago.

SUDDENLY MAGTATAAS SI PETRON.

  Panahon na ng suddenly. Kasabay nito ang animo'y unti-unting paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Higit sa sakit sa ulo ang dala nito. Tila walang habas na kinukuha ng mga bansang nakikinabang sa kikitain nila sa langis ang yaman ng iba. Kung susumahin, mura lamang ang langis, dahil sa pagproseso nito at pagbyahe ay napapataas ang presyo. Marami na ang naging lunas ng pamahalaan sa isyung ito. Ngunit tila sa mga lunas na ito ay walang makakapagbigay ng tunay na sagot para sa malaking problema na hinaharap ng ating bansa. Sakit na maituturing para sa mga may-ari ng kompanya ang langis.

SUDDENLY MAGMAMAHAL ANG PAMASAHE.

  Hindi lang sila. Hindi lamang ang mga may-ari ng kompanya ang mahihirapan sa pagtaas ng langis. Maging ang mga simpleng mamamayan sa bansang ito ay maaaring maapektuhan. Kapag nagtaas na ang langis huwag ka nang mabigla sa pagtaas ng pampublikong pamasahe. Kabi-kabilang rally ang nasalansangan masabi lamang nila ang hinaing na kanilang nararamdaman. Dagdag pasakit pa ang pag-strike ng mga operator ng pampublikong sasakyan. Kung ganito ang mangyayari, hindi na makakausad pa ang mahabang lakbayin na kailangan nating marating.

 SUDDENLY MAHAL NA ANG PER KILO.

    Asahan na rin ang pagtaas ng mga produkto. Sa pagtaas ng langis...pagtaas ng pasahe...sasabayan pa ng toll fee... Paano na ang mga produktong kailangang ibyahe? Siguradong tataas ang presyo ng mga bilihin. Marami ang magkukumahog para sa mga paninda. Masakit man aminin ngunit ganoon ang nangyayari. Mapipilitan na naman ang mga vendors na taasan ang kanilang mga paninda. At higit sa lahat, ang mga tao ang kawawa. Butas na naman ang kanilang bulsa. Pero ang iba'y dadaanin na lamang sa tawa. Tila walang pake.
   Ang masakit pa para sa mga mamamayan ay ang sunud-sunod na pagtaas ng mga bilihin. Tila wala na 'atang pahinga. At tila nagbibingi-bingihan ang iilan sa isyu ng mataas na bilihin.

SUDDENLY MAGUGUTOM SI JUAN.


   Ano pa ba? Kapag tumaas na ang bilihin? Ano pa ba ang ilalaman ni Juan sa kanyang kumakalam na sikmura? Wala na....wala na nga. Nakakalungkot mang isipin ngunit ganoon talaga. Sasabihin ng iilan na mayaman ang Pilipinas. Ngunit sa gitna ng kayamanan na ito ay nagkukubli ang mga "untold stories". May bilang na namang maidadagdag sa mga nagugutom. Kahit siguro ano ang gawin ay wala pa rin...
     Isang kahig, isang tuka. Ito siguro, pwede pa. Pero hanggang kailan? Hindi ko rin alam.

Comments

Popular posts from this blog

Gupit Binata

The Last King of Windsor

Guarding our spiritual diet