Tag-init na naman. Kakaiba ang panahon ngayon. Tila ang init ng araw ay unti-unting nilalapnos ang balat ng batang si Etang. Hindi na bago sa bansang ito ang kakaibang klase ng tag-init. "Pang-world class" 'ika nga nila. Hindi na bago ang mga tanawin na katulad ng mga batang walang salawal habang subu-subo ang kamay na nanggigitata sa dumi.Mainit na naman.Kaya si Etang walang magawa kundi lumabas ng bahay nila na ang bubong ay halos malapit na sa bunbunan. Mainit na naman kaya naman ang Tatay niya, nag-aalburuto kagaya ng isang bulkang malapit ng sumabog. Nagtatanong kung ano ang almusal. "Anak ng teteng naman yan!", ang pasigaw na sabi ng Tatay ni Etang. Galit na galit. Wala na namang kasing almusal sa maliit nilang mesa. Hindi na rin bago kay Etang ang bagay na ito. Lagi naman siyang nasisigawan ng kanyang ama'ng wala naman kwenta at kung meron man iyon ay maglasing lang. Kasabay ng init ng panahon ang init ng ulo ng kany...
Comments
Post a Comment