Huling Sulyap
Mga kaalaman mo ay akin na lamang ginugunita
Sa simula at sa wakas ikaw ay tunay na mayaman
Kayamana'y 'di malirip kumpara kanino pa man
Sa mga titik at letra una tayong nagsimula
Ikaw ang naging daan upang mundo mo'y mabasa
Sa bawat pangungusap ako'y iyong inaaliw
Higit sa aral ang dala sa pagsulyap sa mga pahina
Mga kwento mo'y madali ko noong paniwalaan
Sapagkat aking isipan ay musmos pa lamang
Sa bawat akda na iyong dala-dala
Tila baga ako ay nasa ibang lugar na
Tunay na isang biyahe ang ikaw ay mabasa
Pagalalakbay na higit pa sa kakaning delata
Kumbaga sa grocery hindi ka magkukulang
Cumpletos recados para sa aking gulang
Matapos ang ilang taon, ika'y gula-gulanit na
Iyong mga pahina mahirap nang mabasa
Ngunit kahit ganoon pa man
Ikaw ay nariyan lamang
Sa aking pagtitig sa iyong mga letraIba'y mas malabo na sa aking mga mata
Mga larawan ay kumupas sa nagdaang panahon
Niluma na rin ng nagdaang pagkakataon
Habang ako ay nagpapatuloy,
Sa iyong mga pahina ay nakaamoy
Ng isang senyales ng pagkaluma
Ng mga pahina mong nanghihina
Sa isang baol ika'y aking natagpuan
Puno ng alikabok sa harapan
Maaari bang ika'y aking makita
Kahit isang huling sulyap sa iyong mga pahina
Comments
Post a Comment