Dear Benjo


February, 9, 2012
11:30 pm. 

Dear Benjo

   Magandang gabi. Kung mababasa mo man ang sulat na ito ay matutuwa na ako. Tandaan mo na lahat ng tao ay may bundok na hinaharap. Sa unang tingin, akala mo ay mahirap akyatin. Pero subukan mo muna....Subukan mo munang ilakad ang iyong mga paa...Subukan mong iaangat ang iyong mga paa patungo sa lugar na gustong mong marating. Huwag kang hihinto sa daan. Hayaan ang iyong sarili na bagtasin ang daang pinapangarap.

   Sa pagtahak mo sa daang ito, huwag mong kalimutang baguhin ang mga ugaling hindi kanais-nais. Ibaon mo ang mga ito sa ilalim ng lupa....sa malalim, kung saan hindi na ito maaring mahukay pa...matapos nito ay magpaalam ka sa nakaugalian mo na. Huwag kang hihinto. Libangin ang iyong sarili habang naglalakad ka upang hindi ka mainip sa nakakabagot na paligid.

   Benjo, tingnan mo ang iyong sarili. Nasaan ka na ba? Halos kalahati na di ba?...basta huwag kang susuko. Patuloy ang buhay. Huwag kang papadala sa iba. Tingnan mo ang iyong pokus. Tingnan mo ito at sabihin sa sariling "Nais kitang marating". Huwag kang hihinto. Buksan mo ang iyong sariling puso at magdasal sa Diyos. Humingi ka ng lakas upang makapagpatuloy sa mahabang lakbayin.

  Sa bawat pagkatisod at pagkadapa, huwag kakalimutang bunganon. Masakit man ngunit ganoon talaga. Huwag kang matakot lumuha. iiyak mo ang iyong saloobin. At sa kalauna'y tumungin sa itaas. Pakawalan mo lahat ng sama ng loob. Maging positibo ka lang sa lahat ng bagay at huwag mong babanggain ang mga nasa paligid. Maging ayos ka sa tingin ng lahat upang ayos din sila sa iyo. Ngunit kung masakit pa rin, huwag kang matakot lumuha.



   Paano ba iyan...Hanggang dito na lamang...huwag kakalimutan ang mga payo ko sa iyo. Magsimula ka na ngayon. Huwag mo nang hintaying gumuwa ng pagkakataon... Kumuha ka na ng tissue at punasin mo ang luha na nasa iyong mga mata.

Nagmamahal,
Ang iyong sarili.

Comments

Popular posts from this blog

Gupit Binata

Kalendaryo

Panaginip