Tanong ko, Sagot mo...
Bakit ang mga Pilipino hindi marunong sumagot ng Maayos?
Sa
hindi kalayuan ay matatanaw si Juan na nakatayo sa bakuran ng kanyang
bahay na pinagtagpi-tagping yero. Hindi siya mapakali at paiukit-ikot sa
bakuran, sinisipa ang mga dahon at basurang nagkalat sa kanyang
posisyon.Nagpatuloy siya sa ganoong gawain at naisipang lumabas ng kanyang bahay upang libangin ang sarili sa tanawing araw-araw niyang nakikita tuwing gabi. Naglakad-lakad si Juan sa ilalim ng maputlang sinag ng buwan na tumatakip sa iilang dako ng kanilang lugar. Dama ang malamyang simoy ng hangin na dumadampi sa kanyang balat na natigang na dahil hindi man lamang niya napahiran ng kung ano.
Sa pagpapatuloy ng kanyang paglalakad nasalubong niya ang isang babae. Kilala niya ata ito dahil halos magdikit ang kanilang mukha sa kanilang pagbati sa bawat isa.
“Kumain ka na?,” tanong ni Juan sa babae. Agad naman itong sinagot ng babae ng may pagmamayabang sa kanyang mukha.
“Busog pa ako, tsaka na lamang?” Tila kontento na si Juan sa napakagandang kasagutang ito ng babae at tsaka umalis upang magpatuloy.
Binaybay ni Juan ang kahabaan ng kalsada sa pagnanais na mawal ang kanyang pagka-inip. Nasalubong niya ang isang bata. Naalala niya na may utang pa ang ina nito sa kanya. Agad niya itong hinarangan upang hindi na makaalpas pa ang bata.
“Nasaan mama mo?,” tanong ni Juan sa bata.
“ Bakit po,” bato ng bata kay Juan. Halos mairita siya sa bata dahil sa napaka brilyanteng sagot nito. Hindi maitago ni Juan ang yamot niya kaya’t nilibang na lamang niya ang kanyang sarili sa paglalakad. Halos lumuwa ang kanyang mga mata sa pagtitig sa mga nagkakantahan na nadaan niya malapit sa lugar nila.
“Saan ka pupunta Juan?” tanong ng isang lalaki na may pang-uuyam sa tono ng kanyang pagtatanong. Sa inis ni Juan ay sinagot niya ang lalaki.
“Diyan lang, lilibangin ang sarili”, sagot ni Juan sabay talikod.
Sumambulat naman ang kanyang kapitbahay na tila pagod sa kung anu man ang ginawa niya. Nagsusumighaw na nagtanong ang lalaki “Anung oras na?” Maagapa!sagot ni Juan at nagpatuloy sa paglalakad.
Nasalubong niya ang ina ng bata na kanina ay nasalubong niya. Naalala niya ang utang nito sa kanya. Nilapitan kaagad ni Juan ang babae at patanong na sumigaw sa kanya
“Kailan ka ba magbabayad ng utang mo?” tanong nitosabay sagot ng babae
“Malapit na!”
Napabulong ako sa aking sarili. Ang mga tao ay tila mahilig sa kakatuwang sagot. Marahil ang mga Pilipino ay sadyang hindi marunong sumagot. Anu kaya ang mararamdam ko kung ang tanong mo ay napakaayos at ang sagot ay napakalayo.
Naisip ni Juan na bumalik na sa kanyang tahanan at doon ipagpatuloy ang buhay sa kahungkagan. Marahil sawa na siya sa sagot ng mga taong tinanaong niya ng maayos. Mas naiisip niya na manahimik kaysa sa kanyang uuga-ugang upuan kaysa making sa mga sagot ng taong nabubuhay sa kawalan.
Comments
Post a Comment