Sa pula, sa puti
Nagdaan ang araw ng kasarinlan,
Lumipas ang araw ng kadiliman,
Sa pula, sa puti ang kanilang isipan.
Litong-lito kung ano ba ang gusto,
Ng mga taong walang pagkatuto,
Binulag ng mga kaisipang dayuhan,
Sa pula, sa puti ang kanilang isipan.
Sa may bandang Limasawa nakarating mga kastila,
Hinamak ang mga Pilipino'ng dakila,
Pilit na sinakop ang perlas ng silanganan
Kakaibang kultura kanilang tangan-tangan.
Paniniwalang hindi kilala ng ating mga ninuno
Walang takot na pinayakap ng mga katoto
Relihiyon ay pinalitan ang kanilang mga anito
Hanggang maghimagsik si Magellan at kanyang hukbo.
Narating ng mga kastila ang mga lugar sa Hilaga
Sinakop ang bansa hanggang sa mga Bisaya
Pinatay ng husto sarili nating Kultura
Parang isang lugar na nawala sa mapa.
Natapos ang mahigit tatlong siglo
Naging desente lahat ng mga tao
Kung dati hawak ang bato, ngayo'y may panyolito
Dati'y taong gala, ngayon ay ganap na Pilipino
Dumating si Uncle Sam,
Mga kakaibang kaisipan kanyang tangan-tangan
Medyo moderno ng unti, at may pagka-liberal
Kaya naman mga Pilipino naghangad ng kalayaan.
Burger, pizza at iba pa ang naging kanilang panlasa
Nawala ang mga natural na sangkap sa lamesa
Maging pagkilos ay naging modernisado
Nabago ang lahat sa pag-ikot ng kanilang mundo.
Sa patuloy na pagka-alipin nitong mga Pilipino
Bagong henerasyon naman ang tumutubo
Namulat sa mga bagay na sa kanilang pagkatuto
Nawala ang imaheng totoo.
Dumating ang mga bayani upang maghimagsik
Umusbong ang katipunan! dahas ang panlaban
Mayroong iilan na gumamit ng tinta
Maibalik lamang ang tunay nating ganda.
Nagtagumpay ng panandalian ang mga Pilipino
Pansamantalang ang gulo'y hininto
Sa pagbabasakaling kasarinlan
Isang na namang pagsubok sa kanilang kamalayan.
Biglang sumuko ang Corregidor
Sa mga mananakop na Hapon
Samurai at Bayoneta ang kanilang panlaban
Lahat sa kanila'y nakipag-sanduguan.
Pilit na pinilipit ang dila ng mga Pilipino
Sa lengwahe nilang Nihonggo
Ngunit kahit ganoo'y hindi nila natutunan
Sapagkat ito'y dayuhan sa dila ni Juan
Nagtanong-tanong si Juan
Kailan maibabalik ang nakagisnan
Dating kulturang napabayaan
Maaari pa ba'ng masilayan
Nagdaan ang araw ng kawalan,
Nagdaan ang araw ng kasarinlan,
Lumipas ang araw ng kadiliman,
Sa pula, sa puti ang kanilang isipan.
Comments
Post a Comment