Samu't saring damit sa araw na ito
Samut-saring damit para sa araw na ito
Pero sa tingin ko hindi ito sa akin bagay
Ang sando ay puti at komportable sa akin
Pero bakit bagabag ang aking damdamin?
Suot ko ang Polo ng tagumpay
At ang Polong ito sa akin ay ibinigay
Ng lolo ko na sana ay sumalangit
Pero bakit kapag suot ko ang init-init?
Suot ko ang pantalon ng aking ama
Na parang sa tingin ko ay maluwag na
Ngunit kahit ganoon wala itong gasgas
Pero bakit parang ito ay kupas?
Suot ko ang barong ng pagmamahal
Na hinabi ng may malaking pagpapagal
Sa kanilang mga mukha ay tila may' bago
Pero bakit parang damdamin ko ay kabado?
Suot ko ang sapatos ng paglalakbay
Na sa sobrang biton ay itim na ang kulay
Sigurado ba ako sa aking paglakad
Pero parang sa loob ko ay may mabigat
Eto na ang suot ko sa araw na ito
Sa pagbukas ng Quiapo sa kanyang mga pinto
Nawa'y sa paglakd ko patungo sa altar
Ang kasal sanang ito ay basbas ni Baltazar
Comments
Post a Comment