Epekto ng sofa syllables

Do
ti la so
fa mi re
do.
Nakaharap na naman ako sa piano,
kinakapa ang mga tiklada,
dinidinig ang mga nota.
tinutugtog ko ang paborito nating pyesa
at sa pag-alingawngaw ng bawat nota,
ay ang pagbalik sa akin
mga hibla ng iyong alaala.
Sana katabi pa rin kita
sa harapan nitong piano,
nag-aaliw sa saliw nang paborito nating pyesa
kasabay ang mga hindi inaasahang paghaplos
 sa kamay ng isa’t  isa
na patuloy sa pagdiin ng mga tiklada
hatid ay musika
Nakaharap na naman ako sa piano
nag-iisa,
nananatiling tinutugtog ang nagmamaliw na musika
gamit ang mga puti at itim na tiklada.

Comments

Popular posts from this blog

Gupit Binata

The Last King of Windsor

Guarding our spiritual diet