Panaginip
Dahil ika’y panaginip
lamang
Ikaw ay isang panaginip
Hindi nauunawaan,
Hindi nahahawakan,
Hindi nararamdaman.
Ikaw ay isang panaginip
Binabalik-balikan
Ngayon,
tinatandaan,
Bawat
detalye,
Ay sumusubok sa talas ng isipan.
Ngunit
kahit ganoon pa man,
Ikaw rin ay
aking kalilimutan.
Dahil ikaw ay panaginip lamang.
Huwag ka sanang manatiling nakakubli
Sa dulo ng aking isipan.
Comments
Post a Comment