Nagdaan ang araw ng kawalan, Nagdaan ang araw ng kasarinlan, Lumipas ang araw ng kadiliman, Sa pula, sa puti ang kanilang isipan. Litong-lito kung ano ba ang gusto, Ng mga taong walang pagkatuto, Binulag ng mga kaisipang dayuhan, Sa pula, sa puti ang kanilang isipan. Sa may bandang Limasawa nakarating mga kastila, Hinamak ang mga Pilipino'ng dakila, Pilit na sinakop ang perlas ng silanganan Kakaibang kultura kanilang tangan-tangan. Paniniwalang hindi kilala ng ating mga ninuno Walang takot na pinayakap ng mga katoto Relihiyon ay pinalitan ang kanilang mga anito Hanggang maghimagsik si Magellan at kanyang hukbo. Narating ng mga kastila ang mga lugar sa Hilaga Sinakop ang bansa hanggang sa mga Bisaya Pinatay ng husto sarili nating Kultura Parang isang lugar na nawala sa mapa. Natapos ang mahigit tatlong siglo Naging desente lahat ng mga tao Kung dati hawak ang bato, ngayo'y may panyolito Dati'y taong gala, ngayon ay ganap na Pilipino Dumat...